Tuesday, January 21, 2014

Pinagmulan ng daigdig

Pinagmulan ng Daigdig

Picture

Katuturan ng Heorgrapiya    Ang Heograpiya ay isang siyentipikong pag-aaral sa pisikal na anyo ng mundo. Nagmula ang salitang ito sa wikang Griyego na geos at graphia na nangangahulugang deskripsyon ng mundo. Tinatalakay ditto ang mga anyong lupa at tubig, likas at pampulitikang pagkakahati ng mga lupain, klima, mga produkto, at yamang likas ng isang lugar o bansa.

Ilan sa mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig:

1. Teoryang Big Bang- Ang pinakatanyag na teorya ngayon. Ayon dito, ang buong daigdig ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog (kaya ito tinawag na Big Bang).  Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyon na ang nakalipas at lumikha ng higanteng bola ng apoy at nang tumagal ay nagkadurog-durog, nagging araw, buwan, planeta, mga bituin at iba pa.
                                                            2. Teoryang Planetisimal- Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa.
                                                            3. Teoryang Binary Star- ang isang araw o bituin ay nagsimula sa pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda, sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit-ulit at walang katapusan.

Mesopotamia

Kabihasnang Mesopotamia

Picture
- Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent
- Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”
- Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng Persia.
- Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean.
- Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria



SUMERIANS

Picture
- Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga [amayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12 lungsod/estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari.
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.
- Ang ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga patron o diyos ng isang lungsod. Samakatuwid, ang mga pari lang ang maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao (anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsusulat. Ito’y tinatawag na cuneiform na ibig sabihin ay wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat, dates, lettuce, leeks, singkamas, mustasa, sibuyas at bawang.

AKKADIANS

Picture
- Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling isulong ang kanilang pagiging Malaya.
- Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa Ilalim ni Ur Nammu, ang lungsod na ito naging kabisera ng isang imperyo na kumalaban sa Akkadian.
- 2100 b.c.e – panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito pinamunuan amg sumer at akkad, at nagpatayo rin ng ziggurat si Ur Nammu sa Ur.
- Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni ur nammu na si ibbi-su ang ur ay bumagsak sa pagdating ng mga Amorite at hurrian sa Mesopotamia.

BABYLONIANS

Picture
- Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop ng Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi mula 1792 hanggang 1750 b.c.e.
- Ang Babylon ang naging kabisera ng imperyong babylonia.

Hammurabi`s Code
-Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang code of Hammurabi o batas ni Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.
-Noong 1595 b.c.e,  sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay  sila at nakuha nila ang estatwa ni marduk, ang patron ng Babylon.
-Pinaniniwalaang ang mga kassite na naghari sa Babylon at ang kaharian ng hurrian sa mittani sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia.
-Ang mga kassite at hurrian ay mula sa mga tala ng new kingdom sa Egypt at Hittite sa kanluran. -Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangan bahagi ng black sea.

ASSYRIANS

Picture
- Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyon nasa hilaga ng babylonia.
- Ang rehiyong ito ay nagmula sa Tigris at umaabot hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia.
- Shamshi-Addad I (18138 B.C.E – 1781 B.C.E) – napasakamay niya ang Ashur ang unang kabisera ng Assyria.

Ng pumanaw si Shamshi-Addad I:- Nagsimulang bumagsak ang imperyo
- Ang hilagang bahagi ng Ashur ay naging bukas sa pananalakay
- 1120 B.C.E – Tiglath-Piliser I kinilala siyang pinakamahusay na hari sa Assyria, ay nagawang supilin ng mga Hittite at maabot baybayin ng Mediterranean. Siya ang tinuturing na tagapagtatag ng imperyong Assyrian.
 - Ashurnasirpal II: isa siya sa mahalagang pinuna ng Assyria  na nagpadala ng mga mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tribo mula sa mahihinang estado.
- 745 B.C.E , napasakamay ni Tiglath-Piliser III ang kapangyarihan at isinailalim ang iba pang mga estado sa isang imperyo.
- Pinalawig pa ng mga haring Assyrian ang imperyo na umabot mula sa iran hanggang Egypt. Kabilang ditto ang haring sina sennacherib at essarhaddon.
-Sa pagkamatay ni Essarhaddon noong 668 B.C.E, siya ay hinalilihan ng kaniyang anak si Ashurbanipal na kinakitaan din ng maayos na pamamahala.

CHALDEANS

Picture

- Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at kanang pampang sa Euphrates River.
- 612 B.C.E- Panibagong imperyo ang tinatag at pinamunuan ito ng isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar
- 625 B.C.E- Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa imperyo ng Assyrian na siyang kumokontrol sa Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.
- 627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal ang Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak.
- 614 B.C.E- isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng Ashur. 
- 621 B.C.E – Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares at Nabopolassar, ang hari ng Babylon, ang lungsod ng niniveh.
-609 B.C.E – tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian sa ilalim ni Nebuchadnezzar II anak ni Nobopolassar.
- 610 B.C.E. – 605 B.C.E – nakipagtunggali si Nobopolassar sa Egypt.
-Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II, natamo ng babylonia ang rurok ng kadakilaan. Ang Babylon ay naging isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig sa kanyang panahon.
- Hanging Garden of Babylon – ipinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa, kinikilala ng mga greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
PAGBAGSAK: Ang 60 taong pamamayani ng Babylonia ay muling nasadlak sa panganib sa panahon ni Nabonidus nang masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa silangan, ang mga Persian
539 B.C.E – ang hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ay nilusob ang Babylon.
- Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lungsod, kabilang na ang buong imperyo. Ang Mesopotamia ay tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian na umabot sa Egypt hanggang India. Sa pagusbong ng sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng imperyo ng Persia sa mga kamay ng hari ng Macedonia na si Alexander The Great.
.

Monday, January 20, 2014

Persiano

Ang Kabihasnang Persiano

Picture

- Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid.
- Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey)
- Darius The Great (521 B.C.E. -486 B.C.E), -umabot ang sakop ng imperyo hanggang india.
- Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
- Royal Road- may habang 1,200 milya mula Surdis hanggang Susa. Dito naglalakbay ang mga, opisyal at mensahero.
Zoroastrianism: relihiyon ng Persia na lalong nagpatanyag sa kanila. Ipinarangal ni Zarathustra o Zoroaster. Isa itong paniniwala ukol sa labanan ng mabuti at pananagumpay ni Ahura Mazda, ang diyos ng kabutihan.

Indus

Ang Kabihasnang Indus

Picture

·         Ang lambak ilog Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya.
·         Ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa Hilaga.
·         Ang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush ay may ilang landas sa ilang kabundukan nito, tulad ng Khyber Pass.
·         Khyber Pass – Nagsisilbing lagusan ng mga mandarayuhan mula sa Kanluran at Gitnang Asya

Lupaing Indus:
·         Ang lupain ng Indus ay di hamak na mas malawak kaysa sa sinaunang Egypt at Mesopotamia
·        Sakop nito ang malaking bahagi ng Hilagang Kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan

Ilog Indus:·         Ang tubig ng ilog ay nagmula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa Katimugang Tibet
·         Ito ay may habang 1000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan
·         Ang pag-apaw ng ilog ang nagsisilbing pataba sa lupa na nagbibigay daan para malinang ang lupain.
·         Ito ay nagaganap sa pagitan ng hunyo at Setyembre
·         Sa kasalukuyang ang India ay isa lamang sa Timog Asya.

Harrapa

ANG KABIHASNANG HARRAPA

Picture
Ang kabihasnang harrapa na natuklasan sa lambak Indus ay tinatayang umusbong noong 2700 B.C.E
· Ang Harrapa ay matatagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan.
· Sa kabilang dako ang Mohenjo-Daro ay nasa katimugang bahagi ng daluyan ng Indus River.
    
LUNGSOD·         Ang bawat lungsod ay may sukat na halos isang milya kwadrado at may tinatayang halos 40,000 katao.
·         Malalapad at planado ang mga kalsada
·         Hugis parisukat ang mga gusali
·         Ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo, at ang ilan ay may ikalawang palapag
·         Ang pagkakaroon ng mga palikuran ay itinuturing na kauna-unahang paggamit ng sistemang alkantarilya o sewer system sa kasaysayan.

PAMAHALAAN·           Walang tala ng mga pangalan ng hari o reyna o namamahala rito. Wala ring impormasyong natala tungkol sa kabuhayan ditto kung sila ba ay napopondohan sa pamamagitan ng pagbubuwis

Dibisyon sa Lipunan
·         Ang lipunang Harrapan ay kinakitaan ng malinaw na pagpangkat ng mga tao.
·         Ang ganitong dibisyon  sa lipunan ay nanalitisa India hanggang sa kontemporaryong panahon

Uri ng Lipunan ·         Masasabing may hirarkiya ng uri ng lipunan ang kabihansang Indus.
·         Ang mga nakatira sa mataas na moog ay msasasbing naghaharing uri
·         Kabilang sa kanila ang paring-hari, mga opisyal ng lungsod at eksperto
·         Sa mababang moog nakatira ang mga mabababang uri ang mga mangangalakal, artisano at magsasaka.
·         Ang mga magsasakang gumagawa ng dike at kanal para sa irigasyon sa pananim

SISTEMANG CASTE

Picture

·         Caste-hango sa salitang Casta na nangangahulugang “angkan”

RELIHIYON·         Sumasamba ang mga Dradivian sa mga Diyos na sumisimbolo sa kalikasan.
·         Ang mga eksperto ay walang nahukay na malalaking templo sa halip ay mga istatwang hugis hayop at tao
·         Isa sa mga sinasamba nilang hayop ay ang Bull.


PAMANA AT AMBAG SA DAIGDIG:·         Urban planning o pagpaplanong lungsod (Grid Pattern)
·         Sewerage System
·         Drainage System
·         Pagpapataya at pagsusukat ng haba, bigat at oras.
·         Mayroon ding kaalaman ang mga taga Indus sa panggamot sa pagbubunot ng ngipin
·         VEDAS (Sanskrit “Knowledge)- naglalaman ng mga pangyayari sa panahon ng unang milenyong pangyayari sa panahon ng inang milenyong paghahari ng mga Aryan sa Hilaga at India
·         Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European
·         Ang wikang dinala nila sa Indiaay tinatawag na Sanskrit
·         SANSKRIT- ang wikang klasikal ng panitikang Indian
·         MAHABHARATA- the Great Story of Bharata
·         RAMAYANA- Rama’s way
·         BHAGAVAD GITA- itinuturing na pinakadakilang tulang piloposikal sa daigdig
·         PANCHATANTRA- maaring isinusulat sa pagitan ng 1500 B.C.E at 500 B.C.E
·         ARTHASHASTRA- isinulat ni Kautilya sa aspertong pamamahala. Ito ang kaunaunahang akda hingil sa pamahalaan at ekonomiya
·         AYURVEDA-“agham ng buhay”
·         SURGERY
·         AMPUTATION
·         CS (Caesarian Section)
·         PI
·         Konsepto ng Zero
·         Arkitektura

ANG KABIHASNANG EGYPT


 Ang Egypt ay tinawag bilang “Pamana ng Nile” dahil sa ilog na ito, ang buong lupain ay nagging disyerto. Nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakay ang ilog na ito.

ANG PAGHAHATI SA KAHARIAN: Dahil sa hindi pagkakasundo, hinati sa dalawa ang Egypt. Upper Egypt- Nasa katimugang bahagi mula sa Libyan Dessert hanggang sa Abu Simbul. Lower Egypt- nasa hilagang bahagi ng lupain kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea

URI NG TAO SA LIPUNAN
Pharoah- Hari (Pharoah- ang tawag sa hari ng Egypt. “Great House”)
Nomarchs-pinuno ng pamayanan
Vizier- pangunahing opisyal (mata ng hari)

PANAHON NEOLITIKO

Picture
ASWAN DAM
    Ay naitayo upang makapagbigay ng elektrisidad at masisisayos ang suplay ng tubig. Ang taunang pag-apaw nito ay nagsilbing daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak. Ito ang nagsilbing susi sa pag-unlad ng Kabihasnang Egypt.


SINAUNANG KASAYSAYAN

LUMANG KAHARIAN (Panahon ng Pyraminds):

Zoser/Haring Djoser
-          Unang nagpatayo ng “piramide” and “Step Pyramind” na may 6 na patong patong na mastaba.

-          Sa tulong ng arkitekotong si Imhotep, nadesenyohan ang pirmaide

-          Ito ang isa sa pinakamatandang piramide sa kasaysayan ng Old Kingdom

GREAT PYRAMIND OF GIZA
-          Sa panahon ni Khufu/Cheops itinayo ang Great Pyramind of Giza

-          Kabilang ito sa 7 Wonders of the Ancient World.

-          Binubuo ito sa loob ng 20,000 taon kasama ng 50,000 tao

-          May sukat na 70m2, taas na 147 ft. at lawak na may kabuuan 5.3 hectares

GITNANG KAHARIAN (Pinamunuan ng 14 na Pharoah):

AMENEMHET II
-          Ang kinilala bilang pinakamahusay na pinuno ng gitnang kaharian.

-          Nakilala ang Thebes bilang kabisera ng Egypt

-          Nilimitahan niya ang kapangyarihan ng mga nobles, muli niyang inorganisa ang pamahalaan at pinanatili ang kasaganaan ng kaniyang nasasakupan.

-          THEBES ang kabisera ng Egypt

-          Sa kaniyang panahon nasakop ang Nubia (rehiyon sa katimugang Egypt)

-          Maging ang Syria ay napasailalim ng kaniyang kapangyarihan

-          Pag-unlad sa kalakalan

HYKSOS
-          Napabagsak ang kaharian

-          Mga Semitic mula sa Asya

-          Mga prinsipe mula sa dayuhang lupain

-          Sinakop ang Egypt sa loob ng 100 taon noong 17th century

-          Nagpakilala sa paggamit ng Chariot sa mga Egyptian.

-          Hyksos (Egyptian, “foreign rulers”)

BAGONG KAHARIAN (Empire Age) Ang pinakadakilang Panahon

AHMOSE
-          Nagbigay sa mga dayuhang Hyksos

-          Nagtatag ng bagong kaharian

-          Isang Theban Prince

-          Sa panahon niya ginawang unified nation ang Egypt

THUTMOSE II
-          Idinagdag niya sa Imperyong Palestine

-          Anak ni Thutmose I, half brother ni Reyna Hatshepsut

REYNA HATSHEPSUT
-          Anak ni Thutmose I

-          Pinakasalan ang kaniyang half brother na si Thutmose II at kaniyang kaagapay sa pamamahala hanggang siya’y  namantay.

-          Angkaniyang successor na si Thutmose III na ank niya sa iba ay namuno noong 1458 sa pamamagitan ng paghirang sa kaniyag sarili.

-          Kauna-unahang babae na namuno sa daigdig

-          Nagpatayo ng templo

-          Nagpadala rin siya ng mga ekspedisyon.

THUTMOSE III
-          Ng dahil sa kaniya, nagging maipmpulwensya ang Egypt sa Palestine, Phoenicia, at Syria.

-          Siya ang nagpatayo ng Heliopolis, Memphis, Abydos at ang templo sa Al Kamak.

AKHENATON
-          Nagpatupad ng Monotheism (pananalig sa iisang Diyos)

-          Pagsasamba kay Aton

TUNTANKHAMEN
-          “Boy King” ng Egypt

-          Naging Pharoah sa gulang na 9

-          Nagpatupad ng Polytheism (pananalig sa diyos na hihigit sa isa)

HOWARD CARTER
-          Isang British Egyptologist na nakatuklas sa labi ni Tuntankhamen

RAMSES II
-          Kinalaban at tinaboy ang Hittites

-          Si Ramses ay itinuturing bilang isang “Living God”

-          Siya ang 3rd ruler ng 19th dynasty, anak ni Seti

RAMSES
-          Sinasabing sa kaniyang pagkakaupo ay nagkaroon ng mahigit 100 anak sa iba’t ibang babae

-          Ang kaniyang 13th son na nagsilbi bilang kaniyang successor na si Merenptah ay naupo sa trono sa edad na 60

-          Namatay si Ramses sa edad na 90, ang kaniyang mga labi ay inilagak sa Valley of the Kings

PAGBAGSAK NG EGYPT:
Mga sanhi:

-          Pagpapabaya sa Ekonomiya

-          Pag-aalsa ng mga kaharian

-          Pagsakot ng Egypt sa mga sumusunod: Assyrian, Persiano.

Tsino

KABIHASNANG TSINO

\China- Zhongua Renmin Gongheguo (People’s Republic of China)

Kabihasnan: Beijing
Wika: Mandarin
Relihiyon: Confucianism, Taoism, Buddhism
Pamahalaan: Commonist
 Pananalapi: Yuan
Kalagayang Heograpikal:
- May natural na balakid na naghihiwalay pa sa iba pang bansa
- Natuto silang gumawa ng mag-isa at hindi na umaasa pa sa iba.
- Pinaniniwalaan nila na nasa gitna sila ng mundo kaya’t tinawag nila itong Zhongguo na ibig sabihin ay Gitnang Kaharian

Sinaunang Kasaysayan:
- Pagtuklas ng Homo Erectus a.k.a Peking Man
- Naitatag ng pamayanan: Yangshao at Longshao’
- Huang Ti ang Yellow Emperor

MGA DINASTIYA:

Ø  HSIA
-          Pinamumunuan ni Yu

-          Maalamat na dinastiya at walang talang naiwan 

-          Nagpatayo  ng irigasyon para sa sakahan

 

Ø  Shang
-          An-yang ang kabisera

-          Unang Historical

-          Gumagawa ng bronze, magagarang palasyo at libingan

Ø  Chou
-          Pinamumunuan ni Wu Wang

-          Panahong Pilisopo at Piyudalismo

-          Pinakamatagal na namahala (900 taon)

-          Paniniwala sa Mandate of Heaven

-          Panahon ng Pilosopo (Confucius, Lao Tzu, Mencius)

Ø  Chin
-          Pinamumunuan ni Chao Hsiang Wang

-          Cheng, unang emperador

-          Hinago dito ang pangalang China

Ø  Han
-          Pinamumunuan ni Liu Bang

-          Xian ang kabisera

-          Pinaka-makapangyarihang emperyo

-          Nakapsok ang Buddhism sa bansa

-          Marami silang naiambag: Lunar Calendar, Sesimograph, Papel, Tinta at Brush

Ø  Sui
-          Maikling Dinastiya 

-          Nagpagawan ng Grand Canal

Ø  Tang
-          Pinamumunuan ni Li Yuan

-          Chang’an ang kabisera

-          Naiambag ang “Diamond Sutra” (Unang aklat sa buong mundo)

Ø  Sung
-          Pinamumunuan ni Chao Kuang yin

-          Kai-Feng ang kabisera

Ø  Monggol
-          Pinamumunuan ni Kublai Khan

-          Peking ang Kabisera

-          Unang dayuhang namahala sa China

-          Dumagsa ang Europa sa China

Ø  Ming
-          Pinamumunuan ni Chu-Yuang-Chang

-          Nagpatayo ng palasyo tulad ng Forbidden City

Ø  Manchu
-          Pinamumunuan ni Nurchachi

-          Nasakop ang Korea

-          Si Puyi ang huling emperador ng China

Greeks

SINAUNANG KABIHASNAN NG GRESYA

Hangganan:
  1. Silangan – Aegean Sea
  2. Kanluran – Ionian Sea
  3. Timog – Mediterranean Sea
- Estratehikong lokasyon para sa kalakalan at pangingisda
- mga daungan o look
- maganda sa labas, ngunit mabato, mabundok at malubak sa loob
- highly motivated ang mga Griyego sa kanilang kapaligiran, kaya’t mataas ang antas ng lakas at talino

Heograpiya: - Timog – Silangan ng Europe
- Balkan Peninsula
- Irregular ang baybay dagat at maraming magandang daungan
- Binubuo ng 1000 pulo
- Hindi nabiyayaan ng mainam na yamang likas ang kalupaan ng Greece
- 75% - kabundukan
- Mabato, hiwa-hiwalay, pulu-pulo, mabundok at hindi patag ang mga lupain kaya ang nabuong kabihasnan ay mga watak-watak na lungsod-estado


Sinaunang Kabihasnan ng Minoan at Mycenaean 
Archaic Greece (1450 - 700 B.C.E.)

Kabihasnang Minoan
  • kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Greece
  • Crete
  • Pinamunuan ni Haring Minos na anak ni Zeus at Europa
  • Cretan – mahuhusay na manlalayag at mangangalakal
  • Sir Arthur Evans – isang English na arkeologong nakadiskubre sa kabihasnang Minoan nang mahukay ang Knossos noong 1899
  • Knossos – maunlad na lungsod at sentro ng Minoan na nasira dahil sa lindol, pagkasunog at pananalakay ng mga dayuhan
  • Minotaur – isang dambuhala na may ulo ng toro at katawan ng tao na nasila ni Theseus, hari ng Athens
Kabihasnang Mycenaean- Kilalang hari si King Agamemnon ng Mycenae
- nadiskubre ni Heinrich Schliemann
- Mycenaean = Achaeans
- Mycenae – pinakamalaking lungsod ng Mycenaean
- Ang karibal ng Troy, isang mayamang lungsod sa Asia Minor

Kulturang Hellenic

Hellen – ninuno
Hellenic – kabihasnan
Hellas – bansa
Hellenes – tao

Tinatayang nagsimula sa unang pagtatanghal ng paligsahan ng mga laro bilang parangal kay Zeus (Olympics, 776 BCE)

Mga Akda ni Homer:1. Iliad – tungkol sa digmaan ng mga Griyego at Trojan (Trojan War)
2. Odyssey – Odysseus – pagbalik sa Greece matapos ang Trojan War


12 Olympians

Zeus -  Chief God at pinuno ng Mt. Olympus; diyos ng kalangitan, kidlat at hustisya

Hera - Reyna ng mga Diyos at ng langit; diyosa ng mga kababaihan, kasal at ng pagka-ina

Poseidon - Diyos ng Karagatan

Demeter -  Diyosa ng Agrikultura, kapaligiran at mga panahon

Hestia - Diyosa ng earth at tahanan

Aphrodite - Diyosa ng pag-ibig, kagandahan, desire, at fertility

Apollo -  Diyos ng Araw, liwanag, pagpapagaling, musika, tula, propesiya, archery at katotohanan

Ares - Diyos ng digmaan, pagkagalit, at pagdanak ng Dugo

Athena - Diyos ng Katalinuhan, at strategic battle

Hephaestus - Panday ng mga Diyos; diyos ng apoy

Hermes -  Kartero ng mga Diyos; diyos ng komersyo, bilis, magnanakaw, at kalakalan

Hades - Diyos ng impyerno

Dionysus - Diyos ng alak

Lungsod-Estado ng Athens at Sparta

  • Demokratikong Polis
  • Cradle of the Western Civilization
  • Malapit sa karagatan (kalakalan)
  • Kapatagan na may mga burol at bundok (Mt. Lyccabettus)
  • Iniwasan ang sentralisadong pamumuno at monarkiya

Pamahalaan 
- Isinilang ang DEMOKRASYA – pamahalaan ng nakararami
- Solon (638-559 BCE
- Lumikha ng Council of 400
- Pisistratus (608-527 BCE)
- Cleisthenes 
- Ostracism – pinahihintulutan ang mga mamamayan na palayasin ang sinumang opisyal na mapanganib sa Athens
- Pericles (443 – 429 BCE)
- Tugatog ng demokrasya
- Pag-upo sa opisina ng mga karaniwang mamamayan
Direct Democracy – direktang nakababahagi ang mga Athenians sa pagpili ng kinatawan at maaaring manungkulan
- Subalit hindi kasama ang mga babae at banyaga.

Mandirigmang Polis ng Sparta

  • manidirigmang polis
  • matatagpuan sa Peloponnesus
  • sandatahang lakas at militar
  • pananakop ng lupain at pagpapalakas ng militar
  • Lacedaemon – dating pangalan
  • Oligarkiya
  • Karibal ng Athens

Pamahalaan Mga Hari 
  • lahi ni Hercules
  • 2 inihahalal ng aristokrato
  • Pangunahan ang sundalo at panrelihyong ritwal
Assembly
  • kalalakihan lampas 30 taong gulang
  • magpasa ng mga batas, magpasya kung digmaan o kapayapaan
Ephors at Elders 
  • 5 bagong miyembro ng Ephors
  • 28 na tao lampas 60 taong gulang ang mga Elders

Uri ng Lipunan 
  1. Aristocrats – mayayaman, pakikidigma
  2. Perioeci – mangangalakal, malalayang tao
  3. Helots – magsasaka, alipin